Posts

pananampalataya

kanino ko ikakawing ang aking pananampalataya, kung ang mundo natin ngayon ay puno ng sigwa? paano pagtitibayin ang pananalig ko't tiwala, kung ang lahat na ata sa paligid ay masama? tayo man ay nakakalimot sa plano ng Lumikha, wala sa plano Nya na tayo'y ipagwalang bahala... Ang tyanging nais lamang, ang tayo ay maligtas, manalig at dumaan sa tuwid at makipot na landas. ngunit kanino nga kaya dapat ikawing ang pananampalataya? kung ang kaisa-isang sandigan, di nakakasalamuha? at kahit pa nga dumarating ang mga biyaya, sa sariling lakas pa rin nagtitiwala. paano ba pagtitibayin pananalig at tiwala, kung damdami'y, puno ng lumbay at kawalang pag asa? kaya't kahit pa nga nasa harap na ang himala, bakit hindi ito makita ng ating mga mata? Subalit lagi nating pakatatandaan, Hindi tayo kaylanman pababayaan, Dahil Kanya sa ating ipinadala mga magpapatatag sa pananampalataya... Kinakausap Nya tayo sa lahat na uri ngparaan upang pagmamahal Nya, sa ati'y maipaalam.. Tul...

happily Ever After!♥

Maraming fairy tales ang nagtapos sa mga katagang ito!. pero mayroon nga bang ever after? At paano kayang naging Happy ang ever after nila?... kung papansinin natin ang lahat ng fairy tales na nagtapos sa... "And they lived happily ever after" hindi naman naging madali at laging masaya ang buhay nila! katulad na lang ni Rapunzel, na ikinulong mag isa sa pagkataas-taas na tore... isipin mo na lang na lumaking mag isa sa malamig na toreng iyon... nakakabagot na!!, e kung dadalawin ka pa ng wicked witch? e di sobrang stressful! Isama pa na bago ka mailigtas ng iyong prince ay kailangang lambitingan ang mahaba mong buhok! ang sakit kaya nun? si snow white.... na ilang beses pinagtangkaan ang buhay, dahil lamang kinaiingitan ng kanyang stepmom ang kanyang ganda... marahil minsan ay naisip nyang sumpa ang labis niyang kagandahan!!.. idagdag pang sya'y muntik ng mahimbing ng tuluyan dahil lamang sa isang mansanas! ganun ba sya katakaw?... mabuti na ...

A mother's words to a broken hearted daughter...

DISTANCE is a lonely companion.... just when you thought that everything is going very well... just when you thought you were secured with your feelings.. suddenly a grenade was thrown to you... and the shrapnel torn your heart apart... TRUST is something that you freely gave... so why cry when it was betrayed? Don't expect that you can trust those you think you can... because they, too, might need something you cannot give... and that's where the big difference is felt... and so you were singing.... But life does not end here my child..... you gave half of your heart away.... try to take it back.... but if taking it back would only hurt you even more..... then... Find a boy who calls you beautiful rather than hot! ... a boy who calls back when you hang up... ... a boy who will stay awake just to watch you sleep... ...and who will wait till you wakes up just to say how pretty you are... ... a boy who looks straight into your eyes, hold your h...

isang araw sa buhay ko!

Image
hawak ni Marc ang kamay ko, habang humihilik sya sa maghapong trabaho... di ako makatulog... at ala una na, tahimik na ang paligid....maliban kay ampie (yung aso namin) na paminsan minsang tumatahol sa mga kabataang ngayun pa lang uuwi, malamang galing sa magdamagang pag dodota...di pa din ako tulog... pabaling baling.... sisiksik sa tabi ni tatay... sa wakas... makakatulog na din ako...magigising ako at hahanapin ang kamay ni tatay... pero gising na sya at kasalukuyang naliligo para simulan ang araw nya...alas singko na siguro....mag iin-in pa ako ng kaunti... pero sa pag iin-ing yon... hala 6:00 na pala... mabilis akong babangon, para magsaing at magluto ng baon namin para sa araw na ito...mag iinit ng tubig na pampaligo ni sage at caleb....tapos tataas para mag plantsa ng aming uniporme...hanap-hanap-hanap-hanap-hanap- (kakainis na tiklupin ito... sando lang ang hahanapin.. aabutin na ako ng isang dekada bago mahanap) YES, nakita ko din.... plantsa-hanger-plantsa-h...

sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!

Image
Minahal kita ng una mong iparamdam sa aking importante ako... sa unang pagkakataon sa aking buhay may nag aalala para sa akin, bukod sa aking pamilya.. Minahal kita dahil ikaw ang unang nagpatibok ng aking puso... Minahal kita ng unti unting naiparamdam mo sa akin kung paano ang pakiramdam ng minamahal... ikinalungkot ko ang biglaang paglayo mo sa akin,, inisip kong may inaalala ka nang iba... iniluha ko ng ilang gabi ang posibilidad na may ibang laman ang iyong puso... at ipinagdamdam ko ang mga araw na pakiwari ko'y wala na nga ako sa isip mo. subalit muli kitang minahal ng matapos ang dalawang taon... (dalawang taong pinilit kong lumimot at akala ko'y napagtagumpayan ko na iyon)... nagbalik ka upang iparamdam sa akin ang higit na pag aalala... ang iparamdam sa aking ako ang sadyang laman ng puso't isip mo... Minahal kita dahil ang iyo palang paglayo ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod... subalit ng matiyagang paghihintay upang ako'y mag idad pa ng k...

damong ligaw!

naisip mo na ba minsan na ikaw ay isang ligaw na bulaklak? isang damong kasing taas ng talahib kung lumaki... isang damong ligaw na sumasama lamng sa lipad ng hangin? minsan, ang buhay natin ay parang damong ligaw lang, tumutubo kahit sa di inaasahang lugar. mayroong sadyang itinanim, meron din namang ninais na alisin sa kinatatamnan. kung tutuusin, madilim ang buhay ng mga damong ligaw... hindi sila ninanais ng kahit sinong hardinero.. hindi din sila ng pinapansin lalo pa at kahalo sila sa karamihan.. pero sa likod ng dilim ng pagiging damong ligaw, gaya ng ibang halaman mayroon din itong bulaklak! mayroon itong munting ganda... at dahil ito ay isang nilikha di man batid sa ating kaalaman, ang damong ligaw mayroon ding halaga! kaya't sa susunod na maiisip mong tila isa ka na lamang damong ligaw na dinadan daanan.... isipin mong isa kang damong ligaw na di mo man batid kung ano ang iyong dahilan sa kasalukuyan... sa hinaharap tiyak, sa iyo'y may nakalaa...

sinumpong ng hika

nag iisa ngayon sa aming bahay.. wala namang lagnat wala ding nararamdamang sakit... pero di makapag linis.. di din makapag laba.. bakit nga ba? eh kasi kinakapos ng hininga.. kaya eto kanina pa kaharap ang libro... binabasa.. nasawa kaya eto.. kausap ka! nakakainip.. nakakbagot.. kung meron mang isang maganda itong naidulot.. yun ay ang kasama ko ngayong manananghalian ang tatlong minamahal kong kalalakihan. at meron pa palang isa.. nakakapag isip ako ngayon ng malaya.. at naiisip kong... masarap maging isang ina at asawa! ....