pananampalataya
kanino ko ikakawing ang aking pananampalataya,
kung ang mundo natin ngayon ay puno ng sigwa?
paano pagtitibayin ang pananalig ko't tiwala,
kung ang lahat na ata sa paligid ay masama?
tayo man ay nakakalimot sa plano ng Lumikha,
wala sa plano Nya na tayo'y ipagwalang bahala...
Ang tyanging nais lamang, ang tayo ay maligtas,
manalig at dumaan sa tuwid at makipot na landas.
ngunit kanino nga kaya dapat ikawing ang pananampalataya?
kung ang kaisa-isang sandigan, di nakakasalamuha?
at kahit pa nga dumarating ang mga biyaya,
sa sariling lakas pa rin nagtitiwala.
paano ba pagtitibayin pananalig at tiwala,
kung damdami'y, puno ng lumbay at kawalang pag asa?
kaya't kahit pa nga nasa harap na ang himala,
bakit hindi ito makita ng ating mga mata?
Subalit lagi nating pakatatandaan,
Hindi tayo kaylanman pababayaan,
Dahil Kanya sa ating ipinadala
mga magpapatatag sa pananampalataya...
Kinakausap Nya tayo sa lahat na uri ngparaan
upang pagmamahal Nya, sa ati'y maipaalam..
Tulad ng lang ng bawat pagsikat ng araw
upang ipabatid na may pag asa sa buhay.
Ang bawat dahon at halamang kumakaway,
ay tila umaaliw sa pusong may lumbay.
Ang bawat ulan, ay luha Nya at awa
sa bawat kasalanang ating nagagawa..
Ang bawat kulog at kidlat na matatalim...
ay nagsasabing mag ingat at tama ang dapat na piliin.
At sa bawat paglitaw ng makulay na bahaghari,
ay Kanyang kapatawaran at pagsisimulang muli.
At kung sa pananampalataya, mayroon pang katanungan,
bakit di panalangin, atin namang subukan
buong damdamin at isip, sa Ama ipaalam
upang ang kasagutan, sa puso masumpungan.
Hindi na kailangan pang makakita ng himala
Dahil ang pagmamahal ng Diyos dama sa kanyang nilikha
kaya't sa pananampalataya natin dapat pa bang mag-agam
kung mayroon naman tayong matibay na sandigan?
Siya ang bato, matibay nating pundasyon..
ga-bundok na problema'y kayang bigyan solusyon.
kasing lawak ng kalangitan ang kanyang pag unawa..
kasing lalim ng dagat ang pag-ibig Nyang dakila.
At sa gitna ng anupamang sigwa
dapat isapuso ang ganap na pagtalima...
Dahil Sya ang tunay na sa ati'y nag aaruga,,,
Kaya't sa Kanya lamang ang aking lubos na pananampalataya.
Comments
Post a Comment