damong ligaw!

naisip mo na ba minsan na ikaw ay isang ligaw na bulaklak?
isang damong kasing taas ng talahib kung lumaki...
isang damong ligaw na sumasama lamng sa lipad ng hangin?

minsan, ang buhay natin ay parang damong ligaw lang,
tumutubo kahit sa di inaasahang lugar.
mayroong sadyang itinanim,
meron din namang ninais na alisin sa kinatatamnan.

kung tutuusin, madilim ang buhay ng mga damong ligaw...
hindi sila ninanais ng kahit sinong hardinero..
hindi din sila ng pinapansin lalo pa at kahalo sila sa karamihan..

pero sa likod ng dilim ng pagiging damong ligaw,
gaya ng ibang halaman mayroon din itong bulaklak!

mayroon itong munting ganda... at dahil ito ay isang nilikha
di man batid sa ating kaalaman, ang damong ligaw mayroon ding halaga!

kaya't sa susunod na maiisip mong tila isa ka na lamang damong ligaw na dinadan daanan.... isipin mong
isa kang damong ligaw na di mo man batid kung ano ang iyong dahilan sa kasalukuyan... sa hinaharap tiyak, sa iyo'y may nakalaan!

Comments

Popular posts from this blog

A mother's words to a broken hearted daughter...

sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!

another sleepless night!