sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!
Minahal kita ng una mong iparamdam sa aking importante ako...
sa unang pagkakataon sa aking buhay may nag aalala para sa akin, bukod sa aking pamilya..
Minahal kita dahil ikaw ang unang nagpatibok ng aking puso...
Minahal kita ng unti unting naiparamdam mo sa akin kung paano ang pakiramdam ng minamahal...
ikinalungkot ko ang biglaang paglayo mo sa akin,, inisip kong may inaalala ka nang iba...
iniluha ko ng ilang gabi ang posibilidad na may ibang laman ang iyong puso...
at ipinagdamdam ko ang mga araw na pakiwari ko'y wala na nga ako sa isip mo.
subalit muli kitang minahal ng matapos ang dalawang taon...
(dalawang taong pinilit kong lumimot at akala ko'y napagtagumpayan ko na iyon)...
nagbalik ka upang iparamdam sa akin ang higit na pag aalala...
ang iparamdam sa aking ako ang sadyang laman ng puso't isip mo...
Minahal kita dahil ang iyo palang paglayo ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod...
subalit ng matiyagang paghihintay upang ako'y mag idad pa ng kaunti...
upang magkaroon pa ng mas malawak na pananaw sa buhay...
upang madiskubre pa ang ilang mga bagay bagay...
Minahal kita dahil sa iyo palang paglayo, iningatan mo pala ang aking puso...
Minahal kita ng lubos ng ihayag mo ang iyong naising makasama ako habang buhay...
Lubos kitang minahal ng higit pa sa habang buhay, ninais mo akong makasama ng walang hanggan!
Minahal kita ng sabay tayong lumuhod sa altar... at nangakong magsama sa hirap at ginhawa...
Minahal kita ng isilang ko ang ating panganay,, dahil binigyan mo ng katuparan ang aking pangarap...
na tawagin akong nanay!
Minahal kita ng ikaw ay sabay na maging ama at asawa para sa amin...
minahal kita ng muli akong maging ina...
sadya sigurong ninais ng Maykapal na lalaki ang ating mga anak...
upang ako lamang ang nag iisang babae sa iyong buhay...
subalit dasal ko pa rin ang munting prinsesa para sa ating tahanan!
Ngayon, minamahal kita nang patuloy mong ipinapakita ang iyong pag aalala para sa akin...
sa iyong pagsasakripisyo..sa walang sawang pag unawa, sa pagpapasensya sa kakulitan ko,
sa lubos at walang kundisyon mong pagmamahal.
minamahal kita sa bawat umagang gigisingin mo ako sa aking paghimbing dahil ako'y mahuhuli sa aking klase...
minamahal kita sa bawat gabing hawak mo ang aking kamay sa pagtulog..
minamahal kita sa mga gabing umuulan at ako'y natatakot sa kulog at kidlat, dahil ang iyong bisig ang aking kanlungan...
minamahal kita sa patuloy mong pag unawa sa lahat ng aking kakulangan..
minamahal kita sa pagpuno sa mga bagay na di ko magawa dahil sa aking kahinaan...
minamahal kita sa pagiging mabuting ama sa ating dalawang munting anghel...
Minamahal kita sa pagiging mabuting kaibigan, dahil dito, lubos mo akong pinahahanga at ipinagmamalaki kita!
Asahan mong mamahalin kita... kahit pa numipis ang iyong buhok o kahit pa nga mawala ito...
mamahalin kita sa anumang lagay ng panahon..umulan man o bumagyo... la nina man o el nino...
mamahalin kita at aasahan kong kasama kita sa aking pagtanda...
mamahalin kita sa gitna ng iyong mga kahinaan at tutulungang palakasin ito...
mamahalin kita kasama ang iyong pagkakamali o pagkukulang at sisikaping punan ang mga ito...
mamahalin kita... ngayon, bukas at magpakaylan pa man...
mamahalin kita ng walang kundisyon o reserbasyon...
mamahalin kita sa lahat ng dahilang maaari pa nating maisip...
dahil mamahalin kita ng walang hanggan!
Comments
Post a Comment