isang araw sa buhay ko!
hawak ni Marc ang kamay ko, habang humihilik sya sa maghapong trabaho... di ako makatulog...
at ala una na, tahimik na ang paligid....maliban kay ampie (yung aso namin) na paminsan minsang tumatahol sa mga kabataang ngayun pa lang uuwi, malamang galing sa magdamagang pag dodota...di pa din ako tulog...
pabaling baling.... sisiksik sa tabi ni tatay... sa wakas... makakatulog na din ako...magigising ako at hahanapin ang kamay ni tatay... pero gising na sya at kasalukuyang naliligo para simulan ang araw nya...alas singko na siguro....mag iin-in pa ako ng kaunti... pero sa pag iin-ing yon... hala 6:00 na pala...
mabilis akong babangon, para magsaing at magluto ng baon namin para sa araw na ito...mag iinit ng tubig na pampaligo ni sage at caleb....tapos tataas para mag plantsa ng aming uniporme...hanap-hanap-hanap-hanap-hanap- (kakainis na tiklupin ito... sando lang ang hahanapin.. aabutin na ako ng isang dekada bago mahanap)
YES, nakita ko din.... plantsa-hanger-plantsa-hanger-plantsa-hanger.....ooooops... hugot si plantsa...habang sinasabihan ko ang dalawa na bilisan ang pag ligo at pag bihis dahil ma la late na sila..pagbaba ko, iaayos ko ang baon namin ( kung mapapaga ng balik ang tatay namin, sya na ang mag aayos ng baon)...
maliligo ako ng mabilis dahil late na nga... magbibihis.. at habang nagsusuklay, paikot ikot upang i check kung ayos na ba ang lahat...di pa ako nakakapag sapatos,,, tatawagin na ang dalawa... maghahawak hawak kami ng kamay para sa maikli naming morning prayer...
sakay ng tryk. ihahatid namin ang dalawa... aabutan ko sila ng konting barya pambili ng kahit ano lang (tutal may baon na silang pagkain) habang binibilinan na makinig sa teacher, mag behave, mag good boy at bago pumasok sa gate sasabihin ko "smart kid ha!"
ihahatid na ako ni tatay,,, dadaan kami kay mommy ( hindi man araw araw, pero kadalasan pag maaga pa, dadaan kami para i check sya)... sa may kanto....bababa na ako...pero bago ko gawin yon, pipisilin ko muna ang braso ni Marc (kalakip nito ang araw araw kong panalangin na mag ingat sya at maging maayos sana ang araw niya) pagbaba ko.... titingin sya sa akin.... itataas ang kilay bilang pagtugon....at saka ngingiti... saka sya aalis...
ako naman ay maghihintay na ng "complex" para aking sakyan... (jeep ang hinihintay ko na may sign board na complex) pagkasakay ko at pagkabayad ng pamasahe.... mag lalakbay na ang isisp ko sa kung anu anung gagawin ko sa klase... sa vacant period...sa lunch time at kung anu anu pa... pagdating ko sa intersection ng balibago, iintayin kong makatawid ang sinasakyan kong jeep bago ako bumaba ...para di na ako tumawid ng kalsada! ( sa tanda kong ito, takot pa din akong tumawid, bakit?ahhh, ibang storya na yon)..
maglalakad ako mula kanto papuntang school habang kinakausap ang sarili ko... minsan pag nasawa na akong kausapin ang sarili ko... kakanta ako ng mahina (kahit pa nga lumakas ng kaunti dahil sa ingay ng trafiic, ako lang ang nakakarinig)..
pagpasok ko sa gate.. mag time in na ako.. hmmmm 7:30 (actually 7:45 na iyon, ayaw nila ayusin yung oras).. maaga pa para sa oras ko... didiretso ako ng faculty room (na hindi naman talaga room dahil nasa landing kami ng hagdanan)... minsan kasabay kong mag almusal si ate alma at ate lida, minsan naman, tinatapos ko ang lesson plan ko na ewan ko ba kung bakit big deal ang pag accomplish araw araw!
8:30. tataas na ako sa unang klase ko... mag iintay ako ng 10 - 15 minutes sa labas dahil overtime ang teacher ( malamang cooking sila, di kaya reporting).. papasok ako.. may dalawang babati sa akin ng good morniong ( di talaga ako nag papa greet.. tumatayo lang ako sa harapan at hihintaying tumahimik ang lahat)... tapos mag titityaga akong mag lecture sa mga batang hindi naman nakikinig... pipilitin silang matuto kahit pa nga may sari-sarili na silang mundo.... pag 9:30 na, i reremind ko sila ng mga dapat nilang gawin o dalhin para bukas... at bababa na ako sa aking table....
9:50, dadating si jayson at sasabayan akong mag recess ( apat na linggo na nyang araw araw akong pinupuntahan, ewan ko kung bakit, at ewan ko rin kung kailan sya titigil).. magkukuwento sya ng kaunti o ipapaalala ko sa kanya ang kanyang mga school works... parehas kami ng oras kaya 10:10.. sabay kaming pupunta sa kanya kanya naming klsae....
sa aking ikalawang klase... advance ang relo nila kaya araw araw ko itong i aadjust sa tamang oras ( pati ata sa oras gusto akong utakan ng mga batang ito!)..nung malaunan... tumigil na ito.. nasira ata kaka adjust namin!.. attentive naman sila kadalasan, natutuwa akong naiintindihan nila ako...o sadyang magaling silang magkunwaring naiintindihan ako para hindi na humaba pa ang discussion.... may ilang nagtatanong ....ang maganda lang nito ay mabilis silang mag pick up ng mga ice breakers ko kaya lively ang discussions...
11:10, pag baba ko, sisilip ako kay ate alma at itatanong kung mag lunch na kami.. minsan kumakain kami agad... minsan nag hihintay pa ng ibang kasabay... natutuwa akong makasabay si ate alma ngayong taong ito dahil, nakikilala ko sya ng lubos at muli akong nakatagpo ng isang confidante sa kanya...
pagkatapos ng lunch, gagawa kami ng kung anu anong kutkutin..na karaniwang ginagawa ng mga guro... o di kaya nama'y pag uusapan ang kabulukan ng gobyerno na masyadong obvious dahil na din sa sistema dito sa aming school...mula sa curricullum hanggang sa mga heads.. gayun din sa finances.. pati na din sa di maubos ubos na kalat at ang pababa ng pababang moral ng mga kabataan....tapos mapupunta ang usapan sa kung anu anung tsismis at latest na chika sa showbiz hanggang sa kung anu na nangyari sa bida at kontrabida ng mga sinusubaybayan naming teleserye sa TV....
1:00, iniintay ko si ate anna, parehas kaming may first period kaya sabay kaming bumababa...sa first period sa hapon,,, di ko kasundo ang mga estudyante ko kaya halos hatakin ko ang oras... isang grupo ito ng mga estudyanteng akala mo ang galing galing eh wala namang alam... first year pa lang eh ang angas ay lagpas pa sa tirik nilang buhok at ang kaartehan ay mas malala pa sa taas ng feather sa kanilang headband,,hay naku!... may mangilan ngilan din naman akong nakakausap kaya ok na din...
sunod sunod ang klase ko,, pero paminsan minsan, nakaktaas pa ako para umupo saglit o sumaydlayn bilang "cashier" sa bagong raket ni ate ena.,,,,, sa ikalawang klase ko sa hapon, mas kasundo ko ang mga estudyante, mas madali silang turuan, mas madali ding takutin.. kaya pag nagtaas na ang boses ko tahimik na sila kaagad!... di lang talaga maiwasan yung asal grade one na magsususmbong na kinuha yung papel nila o ayaw isauli yung ballpen o nangongopya yung katabi nila...hay naku.. bata pa nga!
sa huling klsae ko..medyo magaan na ,, pauwi na kasi ako (hehehehe)sa totoo lang noong una, sila ang pinaka problema ko pero ng madisiplina sila, mukhang naging epektibo naman.. sana lang eh hanggang marso hindi makalimot ang mga batang ito...dahil ewan kung kulang lang sila ng memory enhancer o sadyang masyado nang pabaya nag mga kabataan ngayon!
pagkatapos ko sa aking huiling klase,, aakyat na ako para ayusin ang aking gamit, at para na rin mag meryenda bago umuwi... chichika pa ng kaunti.. tapos uuwi na ako... kailangang makauwi bago mag 5:00, dahil bukod sa gagawa kami ng homework ng mga anak ko ay manonod din kami ng ben 10 at iba pang cartoons na pang hapon...
pagkatapos naming gumawa ng home work malilligo na at mag di dinner... pagkatapos noon ay mag checheck ako ng ilang emails, mag update ng facebook, blog at mag chat sa ilang family at friends.... habang nanonood ng news... pagkatapos noon... mag family prayer na kami.. maaga kasing natutulog ang dalawang bata dahil mahirap silang gisingin sa umaga... maiiwan pa ako dahil di na naman ako dalawin ng antok...
magsusulat ng kaunti sa aking journal, magbabasa ng liahona o ng isang nobela... di kaya naman ay pagtitripan ko ang aking mga math books, reviewers o pagtitiyagang basahin ang pronounciation guide ng isang english dictionary... pag di pa din ako makatulog, magbubukas ako ng radyo at hihiga na para pumikit....pero ilang oras pa....
hawak ni Marc ang kamay ko habang humihilik sya dahil pagod sa maghapong trabaho... di ako makatulog....
Comments
Post a Comment