happily Ever After!♥

Maraming fairy tales ang nagtapos sa mga katagang ito!.
pero mayroon nga bang ever after? At paano kayang naging Happy ang ever after nila?...
kung papansinin natin ang lahat ng fairy tales na nagtapos sa...
"And they lived happily ever after"
hindi naman naging madali at laging masaya ang buhay nila!
katulad na lang ni Rapunzel, na ikinulong mag isa sa pagkataas-taas na tore... isipin mo na lang
na lumaking mag isa sa malamig na toreng iyon... nakakabagot na!!, e kung dadalawin ka pa
ng wicked witch? e di sobrang stressful! Isama pa na bago ka mailigtas ng iyong prince
ay kailangang lambitingan ang mahaba mong buhok!
ang sakit kaya nun?
si snow white.... na ilang beses pinagtangkaan ang buhay, dahil lamang kinaiingitan ng
kanyang stepmom ang kanyang ganda... marahil minsan ay naisip nyang sumpa ang labis
niyang kagandahan!!.. idagdag pang sya'y muntik ng mahimbing ng tuluyan dahil lamang sa isang mansanas!
ganun ba sya katakaw?... mabuti na lamang at hindi sya naisipang ilibing kaagad ng pitong kaibigan nyang dwende!!
si Hansel at Gretel... mga bata pa lamang ay napasabak na sa ilang kapahamakan!
isipin mo na lang na dalawang beses mong maranasang linlangin ng sarili mong ama na bulag sa pag-ibig?
tapos ay tangkain ka pang kainin ng carnivorous na witch, daig pa ang horror movie diba?
Sa Rumplestilstskin, na hindi ko alam ang spelling ng pangalan,..
hindi nga ba't nakakatakot na, nagawa mong ipagpalit sa mga hibla ng ginto ang sarili mong anak
na ni hindi pa man nabubuo sa iyong sinapupunan?
tapos ay ang ma pressure ka sa pag isip ng isang libo't isang pangalan
mahulaan mo lang ang pangalan ng dwendeng hinugot kung saan?
si, Aurora, na 16 years old pa lang ay nahimbing na sa pagkatulog, kasama
ng buong kaharian... nalibre man sila sa pagkain ng maraming taon.. at sa age defying creams...
eh tiyak na ilang panaginip at bangungot ang kanilang naranasan!
tapos ay tiyak na ubos ang kaban ng kaharian sa kanilang pag gising sa labis na gutom!
buti na lang st di sila nagising ng buto't balat!
si Belle,... ikaw na ang tumira sa isang castle na pagmamay ari ng isang beast...
tapos may mga teapot, kubiertos at orasan pang nagsasalita, di ka kaya mabaliw non?
isabay pa ang iyong pangungulila sa nawalay mong ama!
si Ariel na gustong-gustong maging tao, nang mag ka paa nama'y nawalan ng tinig....
ni hindi masabi ang tunay na saloobin ng dibdib!
Si pinnochio, na bago naging tunay na bata'y halos umabot ng 3 metro ang ilong.
muntik muntikan nang naging donkey at kailangan pang malulon ng isang balyena...
imagine na isa siyang kahoy!... buti at hindi siya nilumot!
si frog prince!... of all the cutie cutie animals... frog pa talaga!!!!
anong lakas ng loob at tiwala ang kailangan ng princess just to kiss a frog??
idagdag pa ang alalahaning baka sya magka kulugo!
at paano ko makakalimutan ang paborito kong si Cinderella, naging alila sa sariling bahay...
ininis at inaway ng kanyang dalawang ugly step sisters...
pasalamat na lang sya at nakahanap ang malilimutin nyang fairy godmother ng kalabasa, dalawang daga at isang aso,,,
kung hindi ay hindi sya makakahabol sa party...
na first dance pa lamang ay kailangan na niyang umalis....
buti na lang at medyo maluwag ang kanyang sapatos at nahubad ito...
kung hindi ay hindi sya mahahanap ng kanyang prince charming...
lahat sila ay may pinagdaanang trials and tribulations,, at sa sobrang lalim nung mga salitang yun,,
ipagpalagay na nating lahat sila'y nakaranas ng hirap!
marahil, hindi na nasulat pero tiyak na may mga araw na sila'y lumuha!
pero ilan sa maraming common denominators nila bukod sa mga ibong nakikipag duet sa kanila,
mga dagang tumatahi ng gown, mga kalabasang nagiging coaches,
at fairy godmothers na laging may expiry ang ginagawang magic....
lahat sila'y hindi nawawalan ng pag-asa, hindi sila sumusuko!
at lagi silang may positibong pananaw sa buhay!,
maliban na lang siguro kay sleeping beauty na nagtulog na lamang!... pero malay natin, di ba?
hindi one click ang happy ever after!
hindi ito nakukuha sa isang kumpas at awit ng salibidum at bibitibopitiboop!
o sa paghalik sa isang frog!
Ito ay isang bunga!... isang produkto ng mahabang pagpapasensya, paghihintay,
pag-asa, pagtitiwala, pagiging tapat, pag gawa ng kabutihan, paghingi ng tawad, ng pagpapatawad,
pag tulong sa kapwa, pag gising ng may ngiti, pananampalataya...
pag gawa habang nananalangin!
Ang happy ever after ay hindi lamang para sa mga fairy tale creatures....
ito ay para sa ating lahat....
para sa lahat ng mga batang gusto ng laruan o kendi...
para sa lahat ng nangangarap para sa kanilang kinabukasan...
para sa bawa't ina at ama na nag- aalala para sa kanilang mga anak...
para sa lahat ng estudyanteng ninanais makapagtapos...
para sa lahat ng empleyadong matapat na nagtatrabaho...
para sa mga leader na masigasig na naglilingkod...
para sa lahat ng may karamdamang umaasa ng mas mahaba pang bukas...
para sa lahat ng nagmamahal..
sa lahat ng may pag ibig sa puso...
sa lahat ng tunay na nakakaramdam ng pintig ng WALANG HANGGAN!
si belle, si aurora, si snow white, si cinderella at ang lahat pa na nagkaroon ng happy ever after....
tulad din natin sila... wala man tayo sa mga libro,
di man naisa- pelikula ang buhay natin....
ito ang alam kong tototo...
lahat tayo ay pwedeng mag-claim ng isang magandang wakas sa ating istorya ng buhay!
lahay tayo ay maaaring humabi ng isang storyang unique....
isang istoryang tayo mismo ang bida...
at kung hindi tayo magkakamali sa lahat ng ating pagpili...
maaasri nating makamtan ang happy ending...at sa huli masabi nating...
'And we live Happily Ever After"

Comments

Popular posts from this blog

A mother's words to a broken hearted daughter...

sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!

another sleepless night!