Posts

Showing posts from August, 2010

sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!

Image
Minahal kita ng una mong iparamdam sa aking importante ako... sa unang pagkakataon sa aking buhay may nag aalala para sa akin, bukod sa aking pamilya.. Minahal kita dahil ikaw ang unang nagpatibok ng aking puso... Minahal kita ng unti unting naiparamdam mo sa akin kung paano ang pakiramdam ng minamahal... ikinalungkot ko ang biglaang paglayo mo sa akin,, inisip kong may inaalala ka nang iba... iniluha ko ng ilang gabi ang posibilidad na may ibang laman ang iyong puso... at ipinagdamdam ko ang mga araw na pakiwari ko'y wala na nga ako sa isip mo. subalit muli kitang minahal ng matapos ang dalawang taon... (dalawang taong pinilit kong lumimot at akala ko'y napagtagumpayan ko na iyon)... nagbalik ka upang iparamdam sa akin ang higit na pag aalala... ang iparamdam sa aking ako ang sadyang laman ng puso't isip mo... Minahal kita dahil ang iyo palang paglayo ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod... subalit ng matiyagang paghihintay upang ako'y mag idad pa ng k...

damong ligaw!

naisip mo na ba minsan na ikaw ay isang ligaw na bulaklak? isang damong kasing taas ng talahib kung lumaki... isang damong ligaw na sumasama lamng sa lipad ng hangin? minsan, ang buhay natin ay parang damong ligaw lang, tumutubo kahit sa di inaasahang lugar. mayroong sadyang itinanim, meron din namang ninais na alisin sa kinatatamnan. kung tutuusin, madilim ang buhay ng mga damong ligaw... hindi sila ninanais ng kahit sinong hardinero.. hindi din sila ng pinapansin lalo pa at kahalo sila sa karamihan.. pero sa likod ng dilim ng pagiging damong ligaw, gaya ng ibang halaman mayroon din itong bulaklak! mayroon itong munting ganda... at dahil ito ay isang nilikha di man batid sa ating kaalaman, ang damong ligaw mayroon ding halaga! kaya't sa susunod na maiisip mong tila isa ka na lamang damong ligaw na dinadan daanan.... isipin mong isa kang damong ligaw na di mo man batid kung ano ang iyong dahilan sa kasalukuyan... sa hinaharap tiyak, sa iyo'y may nakalaa...

sinumpong ng hika

nag iisa ngayon sa aming bahay.. wala namang lagnat wala ding nararamdamang sakit... pero di makapag linis.. di din makapag laba.. bakit nga ba? eh kasi kinakapos ng hininga.. kaya eto kanina pa kaharap ang libro... binabasa.. nasawa kaya eto.. kausap ka! nakakainip.. nakakbagot.. kung meron mang isang maganda itong naidulot.. yun ay ang kasama ko ngayong manananghalian ang tatlong minamahal kong kalalakihan. at meron pa palang isa.. nakakapag isip ako ngayon ng malaya.. at naiisip kong... masarap maging isang ina at asawa! ....