pananampalataya
kanino ko ikakawing ang aking pananampalataya, kung ang mundo natin ngayon ay puno ng sigwa? paano pagtitibayin ang pananalig ko't tiwala, kung ang lahat na ata sa paligid ay masama? tayo man ay nakakalimot sa plano ng Lumikha, wala sa plano Nya na tayo'y ipagwalang bahala... Ang tyanging nais lamang, ang tayo ay maligtas, manalig at dumaan sa tuwid at makipot na landas. ngunit kanino nga kaya dapat ikawing ang pananampalataya? kung ang kaisa-isang sandigan, di nakakasalamuha? at kahit pa nga dumarating ang mga biyaya, sa sariling lakas pa rin nagtitiwala. paano ba pagtitibayin pananalig at tiwala, kung damdami'y, puno ng lumbay at kawalang pag asa? kaya't kahit pa nga nasa harap na ang himala, bakit hindi ito makita ng ating mga mata? Subalit lagi nating pakatatandaan, Hindi tayo kaylanman pababayaan, Dahil Kanya sa ating ipinadala mga magpapatatag sa pananampalataya... Kinakausap Nya tayo sa lahat na uri ngparaan upang pagmamahal Nya, sa ati'y maipaalam.. Tul...