EDSA Revolution!
Pebrero 25... napakahalagang araw para sa ating mga pilipino! dalawampu't apat na taon na ang nakalilipas ng maipakita natin sa buong mundo ang ating kakayahang pabagsakin ang isang diktador sa mapayapang paraan.... marahil, bihira na sa mga kabataan ngayon ang makakaalala kung anu man ang naganap noong araw na iyon! ito'y isa na lamang kasaysayang nasusulat sa mga aklat! subalit ano nga ba ang naibigay nito sa atin?... KALAYAAN? Ano bang kalayaan ang ibinigay nito??? ang kalayaan bang pagnakawan natin ang ating pamahalaan? ang kalayaan bang kitlin ang buhay ng mga mamamahayag? ang kalayaan bang magpalabas ng malalaswang panoorin? ang kalayaan bang makapagpuslit ng droga? ang kalayaan bang gamitin ang kapangyarihan sa kalabisan? ang kalayaan bang maproteksyonan ang mga ilegal na sugal? ang kalayaan bang manira ng ibang tao? hindi nga ba't ang ipinaglaban sa EDSA ay ang magkaron tayo ng GANAP NA KALAYAAN? hindi ko na masisi ang ating mga kabataan... maging ako man, na hindi ...