EDSA Revolution!

Pebrero 25... napakahalagang araw para sa ating mga pilipino!

dalawampu't apat na taon na ang nakalilipas ng maipakita natin sa buong mundo ang ating kakayahang pabagsakin ang isang diktador sa mapayapang paraan....

marahil, bihira na sa mga kabataan ngayon ang makakaalala kung anu man ang naganap noong araw na iyon!

ito'y isa na lamang kasaysayang nasusulat sa mga aklat!

subalit ano nga ba ang naibigay nito sa atin?... KALAYAAN?

Ano bang kalayaan ang ibinigay nito???

ang kalayaan bang pagnakawan natin ang ating pamahalaan?
ang kalayaan bang kitlin ang buhay ng mga mamamahayag?
ang kalayaan bang magpalabas ng malalaswang panoorin?
ang kalayaan bang makapagpuslit ng droga?
ang kalayaan bang gamitin ang kapangyarihan sa kalabisan?
ang kalayaan bang maproteksyonan ang mga ilegal na sugal?
ang kalayaan bang manira ng ibang tao?

hindi nga ba't ang ipinaglaban sa EDSA ay ang magkaron tayo ng
GANAP NA KALAYAAN?

hindi ko na masisi ang ating mga kabataan...
maging ako man, na hindi nakasaksi kung anong hirap ang dinanas ng libo libong tao upang ipaglaban lamang ang tinatawag na kalayaan, ay hindi kumbinsidong
nakalaya na tayo!

MAY KALAYAAN NA NGA BA ANG BANSANG PILIPINAS?

Hangga't patuloy na may nagugutom...
hangga't patuloy na may biktima ng karahasan...
hangga't may mapaghanggad sa kapangyarihan..
hangga't marami ang natutulog sa lansangan...
hangga't marami ang di nabibigyan ng katarungan..
hangga't may rebelde sa kabundukan..
hangga't may nang aabuso sa mahihina..
hangga't di tayo natututo sa nakaraan...

ang Pebrero 25 ay mananatiling petsa lamang....
at isang bahagi ng kasaysayang matatagpuan na lamang sa mga aklat!

Comments

Popular posts from this blog

A mother's words to a broken hearted daughter...

sa kaisa isang lalaking minahal, minamahal at mamahalin ko ng walang hanggan!

another sleepless night!